Dear Johann
110814
Dear Johann,
My little scarlet, starlet singing in the garden,
My Moon-of-my-Life
Hiiii~
Kamusta ang unang linggo ng pasukan?
Dear John(ny), kung nasaan ka man ngayon, gusto kong malaman mo na naniniwala ako sa lahat ng mga ginagawa mo. 2nd semester na at may Trigo at BioChem ka na. Walang mga kinalaman ‘to sa panitikan kaya hindi kita masyadong matuturuan pagdating dito. Naiinis nga ako at ‘di ako pinagpala sa mga ganitong asignatura. Kung sana edi matutyutoran na kita. Pero handa pa rin akong kulitin ‘yong mga guro mo na hatakin ang mga grades mo. Pero in a lighter side, alam ko naman na matalino kang estyudante, medyo mabilis lang ma-carried away ng mga iba’t ibang elemento sa paligid, pero matalino ka. Konting push lang ‘yan at sigurado akong keribels mo na ‘tong semester na ‘to.
Paano nga ulit makakasurbayb? Simple lang. Simulan natin sa prelims. Dapat mataas ito. Malaki kasi hatak nito at malaki rin ang tulong kung sakaling sumalpak ang mga grado sa midterms. Tapos ‘yong mga sagot sa exams mula sa mga cheat-mates sa library, madalas nakakatulong ito. Samahan mo pa ng perfect attendance concentration at will power, ay, aber, sigurado akong kaya mong higitan ang mga grado ko.
Alam ko’ng kaya mo. I believe in you. Cheers!
Anyway, ayun, alam mo naman siguro kung bakit ako nagsulat nito. (Clue: it starts with the number 8.) Wala akong pera pambili ng mga bulaklak, tsokolate, o stuff toy. Alam kong naiinitindihan mo ako kasi alam kong gipit ka rin ngayong pasukan. Tapos kailangan ko pa bumili ng mga libro para sa book signing ni Marie Lu, author of the Prodigy series PolGov at Rizal (oo, dalawa lang ang mga kailangan na libro sa 3rd year, wala na rin pati sa mga majors!) kaya ibibigay ko nalang sa’yo ‘tong my precious ko, (hindi yung isa, nabigay ko na sa’yo ‘yon, e. HAHAHAHA, JOKE.), kung hindi ‘yong simpleng kakayahan ko sa panitikan. Hayaan mo, babawi nalang ako next time.
By the way, nakapagdownload ako ng Born to Die album ni Lana Del Rey (finally) just last week. Alam mo naman na ang hilig ko talaga ay mga video games at animes (hindi hentai, ah!) Taylor Swift at operatic songs, kaya medyo nagtagal ako sa pagnamnam ng mga kanta. One day, isang araw, habang bad trip na bad trip ako sa LRT dahil sa pagiging oh-so-reliable nito, nagdesisyon akong pakinggan yung buong album. Tapos ko na kasi yung buong 1989 kakahintay pa lamang sa estayon ng 5th Avenue. (Oo, isang oras ako nakatayo doon. Punyeta talaga.)
And then there, ayun, tumogtog siya.
How I describe the Dark Paradise song:
It was so depressing (to the tenth power, as in) that it made me feel so happy.
Imagine, sad song tapos matutuwa ka sa pagka-sad niya. There is really beauty in sadness, ‘ka nga. Kaya hayaan mo akong maglagay ng mga ilang lyrics dito.
And there’s no remedy
For memory.
Your face is like a melody,
It won’t leave my head.
Your soul is haunting me
And telling me
That everything is fine,But I wish I was dead–Dead like you.
Magsasalita na rin ako tungkol sa “unresolved conflict” nating dalawa. (Ano raw?) Minsan kasi parang wild Pokemon ang peg mo, bigla ka nalang lilitaw.
Wild Johann appeared.
Go Timothy!
What would Timothy do?
Fight > Talk
Timothy used Talk.
But it failed.
Wild Johann used
natural, drop dead gorgeous charmIgnore.It’s super effective.
Wild Johann fled.
Minsan hindi kita pinapansin sa koridor kasi medyo awkward pa rin ang ambiance (wow, deep English!) sa ating dalawa. Nakaka-trauma kaya yung ginawa mo. Saksak puso, tulo ang dugo. Muntik na tuloy ako mapasali sa kulto ng mga “walang forever”, e buti nalang five-ever tayo, 'di ba? To be honest, nakaramdam ako ng galit sa’yo. In a third person point of view, walang hiya naman talaga ‘yong ginawa mo. Alam mo ‘yon, may kasintahan ka tapos bigla mo nalang iiwan sa ere ng walang dahilang iniiwan. ‘Di ba? May mga matching tweets ka pa tungkol sa ibang lalaki. Boom. Combo. Putangina talaga. Pero wala e. Mahal ko. Nagpag-isipan ko na ‘to ng matagal. As in. Mahal kita. Period. No erase. Kahit sino ka pa at kahit ano pa ang ginawa mo. Eber lasting pis and lab na ‘to. Kaya kahit sinasara mo pa rin ang pintuan mo e nandito pa rin ako with open arms (plus with matching kiss sabay hug).
Gusto ko rin sabihin sa’yo na namimiss ko na ang mga usapan natin. Alam mo na ba na patay na ‘yong paborito kong pusa? Medyo nakakapagtampo nga si Ming-Ming kasi kung kailan ko siya ibibili ng tig-o-otso pesos na fried chicken sa kanto e doon siya sumunod kay Mummy. Ayun, wala na tuloy akong kasama sa kwarto. Sumali nga rin pala ako sa NaNoWriMo ngayong buwan. Patawad kung hindi ako nakapagpaalam sa pag-gamit ng iyong pangalan para sa isang tauhan ko rito. Pero ‘wag kang mag-alala, bida siya. Hindi ko siya basta basta papatayin. Hahaha. Biro lang.
Just like what I said before, I’ll be your numbah wan fan in here. Kahit ano pang gusto mong gawin, (mapa-nursing, psych, dancer, kalbo, mahawk na kulot, photographer, porn star, sleeper, tweeter, blogger, water bender, o Pokemon master man ‘yan), kung may kailangan kang tulong kagaya ng mga financial moral support, copyreading sa tisis, clown sa birthday ng mga kapatid at pinsan mo, singer, macho dancer, aba, just call a lover, este friend, at nandito lang ako para sa’yo 24-7. Kung may hihilingin man akong isang bagay, e sana ‘wag ka nang masyadong pogi at sexy umiwas sa akin na para bang may Ebola akong sakit. Sige ka, hahalikan kita diyan. It hurts you know. Galit ka pa rin sa akin. Sorry na, bae. Gaya nga sabi ni Albom, “Holding anger is a poison…It eats you from inside…We think that by hating someone we hurt them…But hatred is a curved blade…and the harm we do to others…we also do to ourselves.” Kaya, please, bati na tayo, ha? Wabyu Sweetie! :-) Libre nalang kita doon sa sa restawran sa MoA. Nakapaskil sa pinto nila “Halal. No Pork.” Doon tayo.
Anyway, baka medyo baduy na ‘ko rito basahin. Tatapusin ko nalang ang liham ko sa isang jowk para medyo light and mood:
Late kasi ako sa klase, tapos nagulat si sir Adversario sa biglaan kong pag-popped in sa upuan ko. Daig ko pa yata ang
ninjakabote kasi talagang nanglaki ang mga mata niya.SIYA: MR. SANTIAGO!
AKO: (Isip bigla ng dahilan.) Sir, ang peste kasi ng LRT.
SIYA: Mr. Santiago, hindi ka pa pinapanganak peste na ang LRT.Antawa ko talaga.
Mahal na mahal kita fayb-ebeeer, JML Cazin-San~
Ingat ka. ‘Wag mangrereyp. <8
Nagmamahal,
Tim-Tam Pogi
Your light of your life, fire of your loins,
Your Sun-and-Star
tjsan-blog posted this