Strings
041516
Closure can be a little scary. You just end it there. You are no longer affected by your broken hearted song playlist. You are no longer having hopes that things will get better tomorrow. You accept that it is over and end it. You end it. Period.
Like my relationship with the others. My friends. My ex. Myself. I all end it. I am no longer affected by the guilt of my past. I am no longer having this idea that someday things will get better with these relationships. I all end it.
And by doing that, I free myself from these strings. It is the concept that people are interconnected with each other through with these invisible strings. It’s like a web. My goal is not to abruptly remove myself from this web, for it will create a massive disturbia with the people around me, but rather just slowly slip away so that they will never notice that I evaporate and disappear from this world. From my life.
It is a freedom. These strings keep pulling me back to the ground whenever I plan to leave. But now, I end it. A wonderful closure.
Although it can be painful at some time, like on how I let the hunger for intimacy be lost in me. I stop myself from having this wild dreams about romantic relationships and the like. It is letting the need within you famish. I tell myself whenever I’m falling to be with someone, “My future is no more. I will be leaving soon.” There is no point in building another relationship when you are about to leave, right?
Maybe this is a selfish act but I just want to rest now and let go. I’m too tired with all of this. The stings itself break from all the pressure from the very start and I’m just here cutting what is left.
I’m sorry. I’m really sorry.
Asa
040915
Nakahihiya. ‘Di ko napansin na may mali sa balarila ko. Minsan iniisip ko kung na sa tamang daan ba ‘ko. Pinagpipilitan ko lang nanaman ba ng sariliko sa isang bagay na hindi naman para sa akin o sadyang kailangan ko lang munamagtiyaga pasamantala hanggang matuto sa wakas? Matagal ko na ‘tong tanong sa aking sarili. Ang sabi nga ng guro ko sa Lit2 ay, “Writer’s are born, not made.” Kung ganoon nga, siguro nga pinagpipilitan ko lang ang sarili ko. O ‘di kaya inakala kong may kakayahanan akong magsulat at hanggang ngayon ay ‘di pa rin masyadong natatauhan. Paano kaya kung ‘di pala para sa akin ang pagsusulat? Paano kaya kung sa 4 na taon na ito, ang kakayahanan ko sa pagsusulat ay kasinungalingan.
Nakalulungkot. Kung hindi ito ang para sa akin, edi ano? Sino ako? Ano ang galing ko na puwede kong ipagmalaki? Aaminin ko, may mga pagkakataon talaga na naiinggit ako sa mga kaibigan kong mahusay magsulat, mapa-wikang Filipino man o Ingles. Wala akong ganoong kakayahanan. Siguro ang mayroon ako ay ang mayamang ideya na pangnobela, ngunit hanggang doon na lamang siguro ako. ‘Di ko kaya ibahagi ang ideyang ito sa iba. Pakiramdam ko ay may mali sa pagkakagawa sa aking utak pagdating sa pagkuwento at pagsulat ng bagay-bagay. Pakiramdam ko ay pipi ako.
Nakadudurog ng puso. Minahal ko ang pagsusulat. Pangarap ko ang makapagsulat ng mga nobela para sa daigdig. Ngunit siguro ang tanong ngayon para sa akin ay may mararating pa ba ang pagmamahal at pangarap na ito? Umaasa nanaman ba ako sa 1 bagay na kahit kailan ay ‘di ko makakamit?
Patawad.
Ang French Frays. Bow.
122114
So last movie marathon tisis sleep over namin ngayong taon. Uuwi na kasi ‘yong mga kagrupo ko sa kanila kanya-kanyang probinsiya. 'Yong iba, sa Baguio at Bicol lang pero mayroon naman medyo bongga, e sa Malaysia ang kanyang hometown. Kaya ayon, kailangang talaga i-push itong aktibidad na 'to kahit anong mangyari. Aja kung aja!
Eniwey, dahil magpapasko naman, napag-isipan ko na rin bumili ng mga regalo para sa tisis groupmates–slash–closest circle of friends ko sa eskwela. Wala naman akong masyadomg budget ngayon dahil nag-iipon nga ako para sa pangarap kong tablet (cross finger, nawa'y makamit na nga kita), kaya binili ko nalang 'yong mga fetishes nila tuwing kumakain. Trip ko na rin kung baga para sa kanila. Kilala ninyo naman ako e, prankster kung prankster.
So ito 'yong nabili ko sa kanila:
Candice - Isang bote ng Del Monte Tomato Ketchup. Siya 'yong kaibigan ko kasing laging naglilihi sa ketchup. Pramis. Kahit saan kami mapunta, kung alam niyang walang mahihingan ng ketchup e siya na mismo magbabaon. Minsan nga na-iisip kong itago ang ketchup niyang baon para malaman ilang segundo siyang makaka-survive. Hahaha. Peace Kan.
Erica - Isang bote ng Maggi Hot Chili na Toyo. Hindi lang dahil may toyo sa ulo si Eca, kung hindi dahil na rin katulad ni Kandis, naglilihi naman siya sa toyo at maaanghang na pagkain.
Idonnah - Malaking Knorr Pork Cubes na may libreng garapon. Plano ko talaga kasi strawberry syrup ng Hershey, kaso napaka-rare yata sa Pinas n'on kaya bumagsak ako sa isa sa mga life goals niya sa buhay–matutong magluto. Syempre supportive friend ako at gusto kong ma-master niya ang pork sinigang. Aba, plus pepe ganda points yata iyon sa Papa Niko niya.
Inezz - Isang jar ng bagoong na may libreng sandok ng kanin. Porenjer kasi itong lola ninyo. Baluktot pa nga mag-Filipino ngayon kaya plano ko patikimin ng bagoong. Tapos 'yong huling kain ko pa sa kanila napansin ko na isa sa kulang sa condo unit nila ay sandok ng kanin, kaya ito binili ko.
Worth it naman ang trip kong regalo sa kanila dahil nahuli ko ang kiliti at hilig nila. O, ha! Napatunayan ko na may mas gaganda pa sa mga gift shop diyan sa mall. Mayroon kasi akong napuntahan na semi-Christmas party kanina. E palibasa dahil mayayaman ang karamihan, puro branded ang pinangreregalo. M&S dito, Uniqlo doon, aba, daig yata ng mga binili ko ang Toblerone na nilagyan lang ng pangalan. Joke. Hahaha.
Tapos, sa huli, habang nanonood kami ng Thai Horror na pinikula (Coming Soon) gumagawa kami ng tisis, niluto na rin namin yong isang kilong french fries na binili ko para sa lahat (sayang nga at 'yong mga kapatid ni Inezz (hi Aerika at Aean!) hindi natikman masyado). At dito ko na-isip ang isang magandang pilosopiya sa buhay.
Ang taong hindi makapaghintay, napapaso.
Ang sakit kasi sa dila–napaso ako. Ayon. Ang french frays. Bow.
Inc.
Sanaysay
Hindi ko na tatapusin ang sanaysay na ito dahil pagod na ‘ko. Sa ngayon gusto ko nalang siguro matulog ng matagaaaaal na matagaaaaal. May mga punto kaya na nakakapagod din mabuhay, pero siguro nga dala na rin ‘to ng kalungkutan na napakapamilyar sa aking puso. Nakakapagtaka nga at ‘di pa ito nasanay sa sakit na nararamdaman.
Gusto ko nang magpahinga. Hindi ko na bibilangin kung ilang oras pa ang itatagal ng aking magiging pagtulog dahil wala na akong masyadong pakialam sa mangyayari bukas. Ayokong isipin kasi pagod na ‘ko mag-isip. Wala muna na ‘kong planong makipagsalamuha sa ibang tao dahil masyado silang masaya para masabihan ng aking nararamdaman.
Takda na rin sa akin na may nagmamahal sa akin. Masarap kasama ang mga kaibigan at kung sakaling atakihin tayo ng Tsina, at nasa kalagitnaan ako ng Metro Manila, alam ko na ang una kong pupuntahan ay aking pamilya. Pero sa mga oras na ito, gusto ko nalang muna lumisan sa kanila at makalimot; hayaan muna ako makatulog ng mahimbing at hindi maistorbo. Hindi ako magpapaalam sa kanila dahil alam kong babalik pa ako.
Katulad sa pagsakay namin sa dyip kanina kung saan lahat ng aking mga barkada at patuloy sa pagtatawanan at pagkukwentuhan, wala silang kaide-ideya na habang ako ay nasa gitna, walang kibo at pagod, gusto kong sumigaw ng “para” at sabihin sa kanila na hindi ako dapat naririto. Gusto kong bumaba sa sinasakyan at tumakbo sa kawalan—sa kanya—kung saan ko naiwan ang aking pusong nawasak sa pagmamahal.
O ‘di naman kaya katulad sa mga nagbabasa ng sanaysay na ‘to, akala nila okey pa ang lahat, ngunit wala silang kaide-ideya na ang nagsulat nito ay pagod na at malapit nang
111114