Ang French Frays. Bow.
122114
So last movie marathon tisis sleep over namin ngayong taon. Uuwi na kasi ‘yong mga kagrupo ko sa kanila kanya-kanyang probinsiya. 'Yong iba, sa Baguio at Bicol lang pero mayroon naman medyo bongga, e sa Malaysia ang kanyang hometown. Kaya ayon, kailangang talaga i-push itong aktibidad na 'to kahit anong mangyari. Aja kung aja!
Eniwey, dahil magpapasko naman, napag-isipan ko na rin bumili ng mga regalo para sa tisis groupmates–slash–closest circle of friends ko sa eskwela. Wala naman akong masyadomg budget ngayon dahil nag-iipon nga ako para sa pangarap kong tablet (cross finger, nawa'y makamit na nga kita), kaya binili ko nalang 'yong mga fetishes nila tuwing kumakain. Trip ko na rin kung baga para sa kanila. Kilala ninyo naman ako e, prankster kung prankster.
So ito 'yong nabili ko sa kanila:
Candice - Isang bote ng Del Monte Tomato Ketchup. Siya 'yong kaibigan ko kasing laging naglilihi sa ketchup. Pramis. Kahit saan kami mapunta, kung alam niyang walang mahihingan ng ketchup e siya na mismo magbabaon. Minsan nga na-iisip kong itago ang ketchup niyang baon para malaman ilang segundo siyang makaka-survive. Hahaha. Peace Kan.
Erica - Isang bote ng Maggi Hot Chili na Toyo. Hindi lang dahil may toyo sa ulo si Eca, kung hindi dahil na rin katulad ni Kandis, naglilihi naman siya sa toyo at maaanghang na pagkain.
Idonnah - Malaking Knorr Pork Cubes na may libreng garapon. Plano ko talaga kasi strawberry syrup ng Hershey, kaso napaka-rare yata sa Pinas n'on kaya bumagsak ako sa isa sa mga life goals niya sa buhay–matutong magluto. Syempre supportive friend ako at gusto kong ma-master niya ang pork sinigang. Aba, plus pepe ganda points yata iyon sa Papa Niko niya.
Inezz - Isang jar ng bagoong na may libreng sandok ng kanin. Porenjer kasi itong lola ninyo. Baluktot pa nga mag-Filipino ngayon kaya plano ko patikimin ng bagoong. Tapos 'yong huling kain ko pa sa kanila napansin ko na isa sa kulang sa condo unit nila ay sandok ng kanin, kaya ito binili ko.
Worth it naman ang trip kong regalo sa kanila dahil nahuli ko ang kiliti at hilig nila. O, ha! Napatunayan ko na may mas gaganda pa sa mga gift shop diyan sa mall. Mayroon kasi akong napuntahan na semi-Christmas party kanina. E palibasa dahil mayayaman ang karamihan, puro branded ang pinangreregalo. M&S dito, Uniqlo doon, aba, daig yata ng mga binili ko ang Toblerone na nilagyan lang ng pangalan. Joke. Hahaha.
Tapos, sa huli, habang nanonood kami ng Thai Horror na pinikula (Coming Soon) gumagawa kami ng tisis, niluto na rin namin yong isang kilong french fries na binili ko para sa lahat (sayang nga at 'yong mga kapatid ni Inezz (hi Aerika at Aean!) hindi natikman masyado). At dito ko na-isip ang isang magandang pilosopiya sa buhay.
Ang taong hindi makapaghintay, napapaso.
Ang sakit kasi sa dila–napaso ako. Ayon. Ang french frays. Bow.
That Relationship
A Diamante Poem
111416
Love
Rush, Real
Laughing, Crying, Returning
Smiles, Kisses, Questions, Tears
Struggling, Weeping, Dying
Cold, Bitter
Pride
Falling Star
Essay
The numbness inside that one feels after weeping is one of the things I am addicted right now. Although it will make you feel numb for the love from others, it can still make that pain in your heart finally sleep. After all, at this moment, it is not love that I want but just a break from all these things. Crying simply makes me feel anew, like the tears my eyes have shed cleanse my whole spirit.
Now I am feeling light and my body feels lifting toward the clouds. Gravity cannot stop me now. This intoxication is a numb happiness away from my problem, or what used to be my problem. I feel like a new person who has survived a great war now. Although this new peace cannot heal my shell shocked heart, at least the battle is over. None of us won in that war and what I value now is not victory but rest.
Sooner or later, the moment of losing this lightness will come back. Gravity will pull me and I will once again fall from the sky, fall away from my place in the dead stars.
And when I am about to hit the hard ground and die, I will close my eyes, smile, and say, “Finally.”
111314
Dear Timy,
111314
Dear Timy,
I know I am not in the position to tell you this. I just want to remind you that you should not hate God; especially when He is giving you a test. God gives the HARDEST TESTS/BATTLES to His strong soldiers and you’re one of them, Timy. I also want to remind you that I lost James but I never hated God. NEVER IN A MILLION TIME. I know I don’t know your pain, and my story is far from yours but learn to trust God especially in the most difficult moment of your life. I am forever and always here for you my dear cousin. I LOVE YOU! :) Smile na.
♥ lots,
Ady
Sa Ating Pagkakalayo
091514
Hindi natin sinasabi
Na ang ating buhay
Ay kasing lawak,
Kasing habambuhay ng karagatan
Hindi natin sinasabi
Na ang ating kinabukasan
Ay kasing tatag ng mga puno sa taglamig,
Matitibay at matataas
Lahat ng bagay ay may panahon.
Natutuyo ang bulakak,
Lumilipas ang tagsibol,
At kahit tayo man ay ganito rin
Sapagkat tayo ay tao lamang,
Nagsasawa at naghahanap.
Ngunit siguro ang pagmamahalang ito
Ay higit sa atin, biyaya ng Maykapal.
At sa pagdating ng oras na ito,
Panahon ng paglisan at pagkakalayo,
Ang nais ko, aking giliw,
Ay alalahanin mo ako.
Isipin mo ang mga bagay na ating ginawa
Ang ating tawanan at paghahawak kamay,
Ang ating luhaan at pagtatampuhan,
Isipin mo ang ating pagmamahalan
Isipino mo ang mga bagay
Na hindi natin magagawa
Isipin mo ang iyong pagiging immortal
Sa tulang ito, ikaw ay laging maaalala
Hindi natin sinasabi
Na ang pagmamahalan natin
Ay kasing bigat sa Maykapal
Ngunit aking sinasabi na ito’y magpakailanman
At sa aking pagwakas, nais kong iyong matandaan,
Walang araw na lumipas,
Na hindi kita naaalala,
Narito pa rin ako, hinihintay, iniisip ikaw.
Inc.
Sanaysay
Hindi ko na tatapusin ang sanaysay na ito dahil pagod na ‘ko. Sa ngayon gusto ko nalang siguro matulog ng matagaaaaal na matagaaaaal. May mga punto kaya na nakakapagod din mabuhay, pero siguro nga dala na rin ‘to ng kalungkutan na napakapamilyar sa aking puso. Nakakapagtaka nga at ‘di pa ito nasanay sa sakit na nararamdaman.
Gusto ko nang magpahinga. Hindi ko na bibilangin kung ilang oras pa ang itatagal ng aking magiging pagtulog dahil wala na akong masyadong pakialam sa mangyayari bukas. Ayokong isipin kasi pagod na ‘ko mag-isip. Wala muna na ‘kong planong makipagsalamuha sa ibang tao dahil masyado silang masaya para masabihan ng aking nararamdaman.
Takda na rin sa akin na may nagmamahal sa akin. Masarap kasama ang mga kaibigan at kung sakaling atakihin tayo ng Tsina, at nasa kalagitnaan ako ng Metro Manila, alam ko na ang una kong pupuntahan ay aking pamilya. Pero sa mga oras na ito, gusto ko nalang muna lumisan sa kanila at makalimot; hayaan muna ako makatulog ng mahimbing at hindi maistorbo. Hindi ako magpapaalam sa kanila dahil alam kong babalik pa ako.
Katulad sa pagsakay namin sa dyip kanina kung saan lahat ng aking mga barkada at patuloy sa pagtatawanan at pagkukwentuhan, wala silang kaide-ideya na habang ako ay nasa gitna, walang kibo at pagod, gusto kong sumigaw ng “para” at sabihin sa kanila na hindi ako dapat naririto. Gusto kong bumaba sa sinasakyan at tumakbo sa kawalan—sa kanya—kung saan ko naiwan ang aking pusong nawasak sa pagmamahal.
O ‘di naman kaya katulad sa mga nagbabasa ng sanaysay na ‘to, akala nila okey pa ang lahat, ngunit wala silang kaide-ideya na ang nagsulat nito ay pagod na at malapit nang
111114
Dear Johann
110814
Dear Johann,
My little scarlet, starlet singing in the garden,
My Moon-of-my-Life
Hiiii~
Kamusta ang unang linggo ng pasukan?
Dear John(ny), kung nasaan ka man ngayon, gusto kong malaman mo na naniniwala ako sa lahat ng mga ginagawa mo. 2nd semester na at may Trigo at BioChem ka na. Walang mga kinalaman ‘to sa panitikan kaya hindi kita masyadong matuturuan pagdating dito. Naiinis nga ako at ‘di ako pinagpala sa mga ganitong asignatura. Kung sana edi matutyutoran na kita. Pero handa pa rin akong kulitin ‘yong mga guro mo na hatakin ang mga grades mo. Pero in a lighter side, alam ko naman na matalino kang estyudante, medyo mabilis lang ma-carried away ng mga iba’t ibang elemento sa paligid, pero matalino ka. Konting push lang ‘yan at sigurado akong keribels mo na ‘tong semester na ‘to.
Paano nga ulit makakasurbayb? Simple lang. Simulan natin sa prelims. Dapat mataas ito. Malaki kasi hatak nito at malaki rin ang tulong kung sakaling sumalpak ang mga grado sa midterms. Tapos ‘yong mga sagot sa exams mula sa mga cheat-mates sa library, madalas nakakatulong ito. Samahan mo pa ng perfect attendance concentration at will power, ay, aber, sigurado akong kaya mong higitan ang mga grado ko.
Alam ko’ng kaya mo. I believe in you. Cheers!